Bacolor PNP chief, nagpapagaling na sa pagamutan matapos araruhin ng aarestuhing suspect

Nagpapagaling na sa pagamutan si Bacolor PNP Chief of Police  PMAJ German Pascua matapos na maararo ng sasakyan na minamaneho ng isang aarestuhing suspect sa Barangay Masamat Mexico Pampanga

Sa report ng kapulisan, aarestuhin na sana ni Pascua ang suspect sa isang insidente ng basag kotse na naganap sa San Guillermo church sa bayan ng Bacolor ng makaladkad ito

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Nagtamo ng mga sugat ang hepe, habang naaresto rin ang suspect na kinilalang si Daniel Merrcado matapos na mabangga ang sinasakyan nito sa isang puno

Nag abot na ng tulong si Police Regional Office 3 Director Police Brigadier General Valeriano De Leon kay Pascua at personal niya rin itong binisita sa sa pagamutan

Photo courtesy of PRO-3
Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Bukod sa kasong theft, ang suspect ay mahaharap din sa kasong direct assault, attempted homicide at resistance and disobedience to an agent of person in authority

Sa imbestigasyon luamlabas na may apat na pa lang warrant of arrest si Mercado na kinabibilangan ng robbery and malicious mischief sa Olongapo City at theft naman sa Tarlac City at Cainta Rizal.