Fabian, nananatiling ‘almost stationary’; Lakas napanatili

Nananatiling ‘almost stationary’ ang Severe Tropical Storm Fabian, habang napanatili ang lakas nito.

Sa tropical cyclone bulletin, sinabi ng PAGASA na huling namataan ang Fabian sa 1,075 kilometers east-northeast ng extreme northern Luzon, dala ang lakas na hangin na 95 km per hour, malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 115 kph.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Ayon sa weather bureau, hindi naman magdadala ng malakas na ulan ang naturang bagyo sa buong bansa.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Dagdag ng Pagasa, sa ilalim ng impluwensya ng southwest monsoon na nagpapaigting sa Bagyong Fabian at sa Tropical Storm CEMPAKA sa 945 km west ng extreme Northern Luzon, ay mararanasan ang epekto ng habagay sa Ilocos Region, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Palawan.// MHEL PACIA-TRINIDAD