Palasyo: Duterte, nais kuwestiyunin ang exclusion ng VP mula sa immunity

Inhayag ng Malacañang na kukuwestiyunin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kasalukuyang batas na hindi nagbibigay ng immunity sa umoupong bise presidente.

Tinutukoy ni presidential spokesperson Harry Roque ang komento ng pangulo nang ihayag nito ang ideyang pagtakbo sa vice presidential race sa 2022 para makakuha ng immunity, matapos umanong magbanta ang kanyang mga kritiko na sina dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio at dating Senator Antonio Trillanes IV na magsasampa ng criminal charges dahil sa extra judicial killings sa ilalim ng drug war killings.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ayon kay Roque, ito ang pagkakataon na kuwestiyunin ang jurisprudence.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Hindi naman ipinaliwanag na ng kalihim ang interest ni pangulo para sa immunity mula sa prosecution.

Una nang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang umoupong pangalawang pangulo ay hindi immune mula sa kaso, alinsunod sa 1987 Constitution. // MHEL PACIA-TRINIDAD