Baby rabbits sa burrow, hinukay at binaon ng mother rabbit

Kabrigada, nakakita ka na ba ng live retrieval at burial ng baby rabbits?

Kinagiliwan ngayon sa social media ang mother rabbit na hinukay mula sa burrow o tahanan nito ang baby rabbits niya para magpasuso.

Makikita sa viral video na itong abala si mother rabbit sa paghukay sa discreet na burrow nito kung saan nakatago ang kaniyang babies.

Natural behavior umano ito ng rabbits na tabunan ng lupa ang entrance ng burrow nila para maitago mula sa predators ang nagkukulang pa sa survival skills na mga anak nito.

Isa isa namang nagsilabasan ang nasabing baby rabbits at agad pumwesto sa ilalim ni mama rabbit para sumuso dito. Pagkatapos ng panandilang playtime ng mga ito ay bumalik na sila sa loob ng burrow at muling tinabunan ni mommy rabbit ng lupa ang entrance kung saan secure na sila sa outside threats. ### Nico Merciales, Intern

Photo screenshotted from @yetkisizherif