Patay matapos ma-hit and run ang isang menor de edad na lalaki noong nakaraang Linggo June 30, 2024, sa Barangay Marangas, Bataraza, Palawan.
Ayon sa mga magulang ng biktima, umalis ito patungo sa Barangay Buliluyan mula sa Quezon para dumalo sa isang kasal noong June 28, 2024.
Ngunit noong July 1, natanggap nila ang balita mula sa Bataraza District Hospital na nasangkot ang kanilang anak sa aksidente bago ito nasawi.
Kamakailan, natanggap ng Bataraza PNP impormasyon kaugnay sa shuttle van na sangkot sa insidente sa Barangay Rio Tuba, Bataraza.
Isang puting Toyota Hi-ace Commuter Van ang kinilalang sangkot ng mga saksi.
Agad namang nahuli ang suspek na kilala bilang Emil, 25 anyos, residente ng Barangay Rio Tuba, Bataraza, Palawan na kasalukuyang nasa kustodiya ng Bataraza PNP.