Proposed NEP para sa 2025, isusumite ng DBM sa House of Representative sa katapusan ng Hulyo

Nakatakdang isumite ng Department of Budget and Management o DBM ang kopya ng National Expenditure Program o NEP para sa fiscal year 2025 sa House of Representative sa darating na July 29.

Kasunod ito ng pag-apruba kahapon ni Pangulong Bongbong Marcos sa 6.3 trillion national budget sa ginanap na 17th Cabinet meeting.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Ayon sa DBM, umabot sa 9.2 trillion ang natanggap nilang proposed budget sa kabuuan, subalit nasa 6.3 lang ang budget ceiling na inaprobahan ng Development Budget Coordination Committee o DBCC.

Dahil umano ito sa limitadong fiscal space, at ilang konsiderasyon tulad ng kahandaan ng mga programa, kapasidad ng mga ahensya ng gobyerno na tumanggap ng pondo at ang kanilang expenditure directions.

Read More:  OSG seeks dismissal of Marcos drug test petition

Nabatid na prayoridad sa pondo ang para sa food security, social protection, healthcare, housing, disaster resilience, infrastructure, digital connectivity at energization.