Babaeng nahaharap sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga arestado ng Paracale Police

CAMARINES NORTE – Arestado  nitong Lunes, July 15 pasado alas dos ng hapon ang isang babae na nahaharap sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga sa Barangay Tabugon, Sta. Elena, Camarines Norte.

Kinilala ang akusado na si alyas  Nica”, 25 anyos, isang freelance  trader at residente ng Poblacion Norte, Paracale parehong lalawigan.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ginawa ang pag aresto sa babae sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na may nakarekomendang piyansa na Php 200,000.00. para sa kaniyang pansamantalang paglaya.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Patungkol ang naturang probisyon ng batas sa Sale, Trading, Administration, Dispensation, Delivery, Distribution and Transportation of Dangerous Drugs kasama na ang Essential Chemicals

Ai alyas Nica ay ikatlo sa listahan ng municipal most wanted Person ng Paracale na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.