One Town, One Product ordinance aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Sangguniang Bayan ng Basud

CAMARINES NORTE – Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Sangguniang Bayan ng Basud, Camarines Norte ang kanilang One Town One Product Ordinance para sa local implementation ng Republic Act 11960 o mas kilala bilang One Town, One Product (OTOP) Philippines Act na naisabatas noong Agosto.

Layon ng naturang batas na matulungan ang micro, small, and medium-sized enterprises sa countryside kung saan ang focus ay development ng indigenous raw materials, paggamit sa local skills at pag- feature ng kultura at tradisyon sa buong bansa.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Kasabay ng pagkaka apruba ng ordinansa ay ang paglikha ng OTOP Local Program Office sa LGU na siyang direktang magsu- supervise at magpapatupad ng OTOP program sa lokal na lebel.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ang dalawang bayan na unang nakapagpasa ng ordinansa ukol dito ay ang Paracale at Sta Elena.

Ayon naman sa Department of Trade and Industry (DTI), saklaw ng OTOP program hindi lang ang local delicacies and handicrafts kundi ang skilled services ng mga pinoy.