Jerom Lastimosa, kabilang na sa Magnolia Hotshots

Sabik na sabik nang bumalik ng court si Jerom Lastimosa matapos nitong mapabilang sa PBA Rookie Draft sa koponang Magnolia Hotshots.

Bagama’t hindi pa siya ganap na nakaka-recover sa natamo nitong knee injury, na nakuha niya noong naglalaro pa siya sa Adamson University, umaasa siyang gagaling ito bago magsimula ang panibagong season ng PBA.

Read More:  Pinoy surfer John Mark Tokong advances to Round 2 of World Surf League

Hindi rin aniya siya makapaniwalang pipiliin siya ng koponan, lalo na’t para sa kanya, ito ang pinakamagandamh team na napuntahan niya.

Read More:  NLEX one win away from semifinals after beating Phoenix in Game 2 of PBA Governors’ Cup

Sa Magnolia, hindi magkukulang ng suporta si Lastimosa dahil mas palalakasin pa nito ang koponan, kasama ang mga beterano tulad nina Mark Barroca at Paul Lee.