Babae sa Singapore, binurol nang buhay

Kakaiba ang naging tagpo ng isang babae sa Singapore matapos niyang mapagdesiyunan na iburol siya ng buhay.

Siya ay na-diagnose na may ovarian cancer noong 2021 at nagpatuloy sa pagpapagamot.

Dahil dito, isinagawa ang isang tagpo na kung saan binurol siya nang buhay. Ang tawag dito ay ang living funeral o pre-funeral na isang pagkakataon para lubos na makapagpaalam sa tao na mamamatay habang may buhay pa.

Bumuhos ang luha sa naturang burol nang magbigay ng kani-kanilang mga mensahe ng pagpapaalam at pagpapasalamat kay Michelle Ng. Sinuklian naman ito ni Michelle ng isang mahihigpit na yakap sa lahat ng kaniyang mga maiiwan kung sakali ngang siya ay bawian na ng buhay.

Pagkaraan ng sampung araw matapos ang kaniyang Living Funeral, siya ay tuluyan nang namaalam. ### KENNETH BERMIL

IMAGE: HCA Hospice