Inaasahan na magtutungo ang Philippine national football team na Azkals sa Singapore sa Disyembre para sa ASEAN Football Federation (AFF) Suzuki Cup 2020.
Inanunsyo ng AFF sa council meeting nito na ang Singapore ang magsisilbing host ng Cup na patuloy na tatawagin bilang 2020 AFF Suzuki Cup na sasalamin sa naipagpalipan na torneyo noong nakaraang taon.
Winelcome naman ng Philippine Football Federation ang nasabing announcement.

Inihayag ni PFF Mariano Araneta, Jr. na may magandang track record ang Singapore sa pagho-host ng major competitions.
Kumpyansa naman ang PFF na magiging pangunahing prayoridad ang kalusugan ng players at staff sa gaganaping AFF Suzuki Cup ngayong taon sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Mababatid na kasama ng Pilipinas sa Group A ang Thailand, Myanmar, Singapore, at ang mananalo sa pagitan ng Brunei Darussalam at Timor-Leste.
Kabilang naman sa Group B ang defending champion na Vietnam, Malaysia, Indonesia, Cambodia, at Laos.