Ibinida ng China ang lumalakas na air power nito , kung saan ay ipinakita sa isang airshow ang mga makabagong surveillance drones at jets nito na may kakayahan na i-jam ang mga hostile electronic equipment.
Isinagawa ng China ang pinakamalaki nitong airshow sa southern coastal city ng Zhuhai, bilang bahagi ng layunin ng Beijing na ihanda ang militar nito sa modern warfare pagsapit ng 2035.
Ayon sa isang open source intelligence agency, may kakayahan na bumitbit ng missiles ang mga makabagong drones ng China na dinisenyo para sa surveillance at strike operations.

Inihayag ng military commentator na si Song Zhongping na malaki ang papel na gagampanan ng drones at jets sa sigalot sa South China Sea at Taiwan Strait.
Ipinunto naman ng mga eksperto na hindi na nalalayo ang agwat sa military power ng Amerika at China.
Mababatid na na-flag sa US intelligence report ang lumalawak na impluwensya ng China, bilang isa sa mga threats na kinahaharap ng Amerika.