Mamadaliin na ng House of Representatives ang pagpasa sa 2022 national budget bil matapos itong sertipikahang urgent ni pangulong Rodrigo Duterte.
Inaasahan na sabay na ipapasa ng mga mambabatas ang panukala sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa Huwebes, bago ang paghahain ng certificate of candidacy para sa 2022 elections.

Dahil ito sa pag-invoke ng Pangulo sa Article 6, Section 25 ng Konstitusyon sa pag-iisyu ng certification kung saan ay pwedeng i-waive ang 3 araw na requirement na hinihintay ng Kongreso para aprubahan ang panukala sa huling pagbasa matapos nitong lumusot sa 2nd reading.
Isinama ni House Majority Leader Leyte 1st District Representative Martin Romualdez ang certification sa order of business matapos itong i-transmit ni Executive Secretary Salvador Medialdea.