Average daily attack rate ng COVID-19 sa bayan ng Daet bumaba sa 6.25% sa pagtatapos ng buwan ng enero

CAMARINES NORTE- Bumaba sa 6.25% ang average daily attack rate ng COVID-19 sa bayan ng Daet, Camarines Norte sa pagtatapos ng buwan ng Enero, 2022

Ito ay matapos ang pagsirit ng mga  naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa naturang bayan sa unang tatlong linggo kung saan umabot ang ADAR nito sa mahigit 11%

Ngunit sa kabila nito, nakapagtala pa rin ng 160 active cases ang naturang bayan sa pinakahuling report ng Daet IMT sa pamamagitan ng kanilang emergency operations Center na may petsang February 01, 2022

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

90 dito ay nagpositibo sa RT-PCR habang 70 ang nagpositibo sa Rapid antigen test

Umaabot naman sa 169 ang mga pasyenteng tuluyan ng gumaling sa sakit

Nananatili naman sa 66 ang nasawi na positibo sa COVID-19 habang 35 ang nasawi na COVID Pneumonia Suspect o probable

Ang naturang mga bilang ay mula sa 1,325 total cases na naitala sa bayan ng daet simula ng maranasan ang pandemya at bukod rito may 382 pa na under monitoring ang EOC

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sa latest datus na ipinalabas ng EOC, makikita na kabilang sa high risk on COVID-19 cases ang mga Barangay ng I, III, V, VIII, gayundin ang Alawihao, Borabod, Dogongan, Lag-On, Camambugan, Magang, Mancruz at Gahonon

Nasa high risk area din ang mga Barangy ng Bibirao, Calasgasan, Gubat, at Bagasbas

Habang nasa moderate risk naman ang mga Brgy II, IV, VI, San Isidro, Cobangbant at Mambalite

 at tanging ang Barangay Awitan lamang ang nasa low risk area