Presyo ng diesel sa Camarines Norte naglalaro sa P53- P55 kada litro, gasolina hanggang P66

CAMARINES NORTE- Muling nagpatupad ng price adjustment ang mga kumpanya ng langis kahapon sa unang araw ng Pebrero.

Ito na ang ikalimang sunod na pagtaas ng presyo ng langis mula nang pumasok ang Enero.

Kaugnay nito ay naglalaro sa P53- P55  kada litro ang presyo ng diesel habang nasa P65 hanggang P66 naman ang presyo ng gasolina sa mga pangunahing gasolinahan sa bayan ng Daet.

Sa Seaoil nasa P55. 55 ang presyo ng Exceed diesel, P65.00 sa Extreme U at P65. 50 naman sa Extreme 95.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Pareho ang presyo sa katabi nitong Caltex kung saan P55. 55 ang Diesel, P65.00 sa Silver gasoline at P65. 50 naman sa Platinum.

Sa Ptt naman nasa P55. 55 sa BlueDiesel, P65.00 sa Blue Gasoline 93+ at P65. 50 naman sa Blue Gasoline 95+.

Sa Petron Centro nasa P53. 55 sa Diesel Max, P64. 25 sa Xtra advance at P64. 75 naman sa XCS plus.

Sa Petron Pandan P54. 30 sa diesel, P65.00 sa Xtra advance at P65. 50 naman sa XCS.

Ganito rin ang presyuhan sa katapat na Phoenix gasoline station.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa kabilang dako ibinaba ng Shell ang presyo ng kanilang produktong petrolyo at ipinarehas na rin sa iba pang oil players.

Sa Shell Mancruz nasa P55. 99 ang presyo ng kanilang Fuel Save diesel mula sa  P56. 80 noong nakaraang linggo.

Nasa P59. 29 naman ang presyo ng V- Power diesel mula sa dating P65. 99,  P65. 99 sa Fuel Save gasoline mula sa dating , P67. 83, habang sa V- Power gasoline naman P66. 99 ang presyo kada litro mula sa P68. 58 noong nakaraang linggo.