Australian Prime Minister bibisita sa Malacañang bukas

Makikipag pulong bukas kay Pangulong Bongbong Marcos ang Prime Minister ng Australia na si Anthony Albanese.

Bahagi ito ng official visit ng Prime Minister sa Pilipinas.

Sa impormasyon na ibinahagi ng Presidential Communications Office, magkakaroon ng tete-a-tete sina Pangulong Marcos at Albanese, saka susundan ng bilateral meeting na gaganapin sa Palasyo ng Malacañang.

Inaasahang matatalakay ng dalawang opisyal ang hinggil sa defense,maritime security,at development.

Si Albanese ang kauna-unahang leader ng Australia na bibisita sa Pilipinas sa loob ng 20 taon.

Samantala maliban sa Pangulo,inaasahan rin ang attendance ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Executive Secretary Lucas Bersamin, Secretary Anton Lagdameo, at PCO Secretary Cheloy Garafil.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *