Umaasa si Atty. Stephen David, ang legal counsel ni Alice Guo, na makakukuha na siya ng positive response sa kapatid ni Alice na si Wesley hinggil sa pag-surrender nito.
Maalalang kahapon nang kumpirmahin niyang nais na rin ni Wesley na sumuko.
Sa panayam Brigada NewsFM Manila kay David, sinabi nitong ‘depressed’ at ‘demoralized’ na si Wesley sa gitna ng nasasaksihang mga development sa kaso ni Alice.
Gusto na umano nitong sumurrender dahil nakikita na nito ang mga implikasyon ng hindi paglapit sa mga otoridad.
Paliwanag pa ni David, hindi naman masama kung susuko na si Wesley dahil wala namang kasong nakasampa laban dito.
VC_DAVID_WALANG KASO SI WESLEY
Ayon pa sa abogado, lagi siyang nakikipag-ugnayan sa mga ahensya sakaling sumuko na si Wesley.
Siya na lang umano ang iniintay ni David na magdesisyon kung su-surrender na ito.