Alice Guo – hinimok ni Atty. Stephen David na magsalita na at harapin ang mga kaso

Muling umapela ang abugado ni Alice Guo na si Atty. Stephen David na magsalita na siya sa mga totoong nangyari sa kaniya.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay David, sinabi nitong mas maigi nang malaman ang katotohanan sa kung papaano siya nakalabas ng bansa, at kung mayroon mang opisyal ng gobyerno na sangkot dito.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Muli namang ibinahagi ni David na nakatanggap na ng mga death threats si Guo kaya ito nagdalawang-isip na bumalik ng Pilipinas.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Sakali mang magsalita si Guo at may idawit na mga malalaking tao – mas malalagay daw sa panganib ang buhay ng kaniyang kliyente.