Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho – lumobo sa 2.38M nitong Hulyo; Pero employment rate – tumaas din

Pumalo sa 95.3% o 47.70 milyon ang bilang ng mga pilipinong may trabaho na may edad labing lima pataas.

Ayon sa Philippine Statistics Authority – mas mataas ito ng 3.14 million kumpara sa naitala noong hulyo 2023 na 95.1% o 44.56 milyong pilipino na may trabaho.

Bahagya naman itong mababa kumpara noong April 2024 na umabot sa 96% o 48.36 milyong employed filipinos.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Samantala, ayon sa PSA, ang bilang naman ng unemployed o ang pilipinong walang trabaho o negosyo nitong July 2024 ay umabot sa 4.7 % o 2.38 milyong Pilipino.

Mas mataas ito kumpara noong July 2023 na may 4.9 percent o 2.29 milyong pilipino na unemployed.

Mas mataas din kung ikukumpara nitong April 2024 na 4% o 2.04 milyong pilipinong walang trabaho.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Samantala, ngayong July 2024, ang mga kalalakihan ang may mataas na employment rate na umabot sa 95.6% kumpara sa mga kababaihan na 94.8%.

Sa usapin naman ng employment rate nitong July 2024, ang Cordillera Administrative Region ang nakapagtala ng pinakamataas na employment rate na nasa 97.7%, habang ang National Capital Region ang may pinakamababang employment rate na nasa 93.5 %.