Apat na BFP personnel kablang ang hepe – sibak, dahil sa viral na pag-refill ng tubig sa isang pool

Kinumpirma ng Bureau of Fire Protection na apat na tauhan nito ang sinibak sa pwesto.

Ito’y makaraan mag viral sa social media ang paggamit umano ng fire truck ng BFP sa pang-refill ng tubig sa isang private pool sa Taytay, Rizal.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Sa mensahe na ipinadala sa Brigada News Fm Manila ni BFP Spokesperson Fire Supt. Annalee Atienza , kabilang sa apat na sinibak ang kanilang hepe.

Pansamantalang inilipat ang mga ito ng ibang fire station habang nagpapatuloy ang imbetsigasyon.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Nauna nang ipinag-utos ni Interior Sec. Benhur Abalos Jr. ang malalimang imbestigasyon hinggil dito.

Nanidigan naman ang BFP na hindi nila kukunsintihin ang ganitong kalseng gawain ng kanilang mga opisyal at tauhan at kung sakaling mapapatunayang nagkasala ang mga ito ay siguradong makakatanggap sila ng kaparusahan.