Tuluyan nang nakalabas ng Philippine Area of Responsibilty (PAR) ang Tropical Storm Dindo.
Ayon sa PAGASA – lumabas na ito ng PAR kaninang alas-nuwebe ng umaga, at huling namataan sa layong 670 kilometro hilagangsilangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 65 kilometro kada-oras at bugsong papalo ng hanggang 80 kilometro kada-oras.
Samantala, iiral pa rin ang southwest monsoon sa hilagang bahagi ng bansa.
Magdadala ito ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan sa bahagi ng Batanes at Babuyan Islands.
Asahan pa rin ang mga pag-ulan sa nalalabing bahagi ng bansa dahil naman sa localized thunderstorms.