“Anuman ang ating kulay pulitika, iisa lamang ang ating layunin na malampasan ang pandemya” – Go

Umapela si Senator Christopher “Bong” Go sa kanyang mga kapwa opisyal ng gobyerno kabilang na ang mga kandidato sa 2022 Elections na iprayuridad ang kapakanan ng mga Pilipino sa halip na unahin ang pamumulitika.

Ayon kay Go ngayong nalalapit na ang paghahain ng Certificate of Candidacy para sa halalan sa susunod na taon dapat isaalang-alang ng kakandidato ang interes at kapakanan ng taumbayan.

“Sa pag-file ng COC, isipin dapat natin kung paano tayo makakatulong sa taumbayan na malampasan ang kasalukuyang pandemya at mga krisis na dulot nito o mga susunod pa,” saad ni Go.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Para sa mga opisyal na kasalukuyang naka-upo  sinabi ni Go na dapat umanong hindi mawala ang focus sa tungkulin para maiahon sa hirap ang mga kababayan nating nangangailangan.

“Anuman ang ating kulay pulitika, iisa lamang ang ating layunin na malampasan ang pandemya. Bakuna muna bago pulitika,” dagdag pa nito.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Nanawagan naman ang senador sa mga Pilipino na huwag sayangin ang pagkakataon pumili kung sino ang gusto nilang maging lider ng bansa na siyang tutukoy sa magiging direksiyon ng bansa sa gitna ng kinakaharap na pagsubok.

“Makiisa tayo upang maipaglaban ang kapakanan ng ating bayan at masigurong walang maiwan sa muling pagbangon ng ating bansa mula sa pandemyang ating hinaharap. Maraming salamat po,” pagtatapos ni Go.