Bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Camarines Norte sumampa na sa 2,651

CAMARINES NORTE- Nakakapagtala na ng kabuuang bilang na 2,651 ang lalawigan ng Camarines Norte sa tala ng DOH BICOL kahapon

Ito ay matapos na madagdagan ng 16 na bagong kaso ng COVID-19 mula sa 6 ng bayan kung saan syam nito ay mula sa bayan ng Daet, tig-da-dalawa ang San Lorenzo Ruiz at Talisay habang tig-iisa ang Basud, Jose Panganiban at San Vicente

Sumatotal ang lalawigan ay mayroon ng 943 active cases habang nananatili naman sa 1,615 ang total recoveries at 93 ang total death toll

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Samantala, nananatiling nasa high risk level ang tatlong bed components sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ayon kay Ken Nuyda ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit, nararanasan ngayon sa rehiyon ang tinatawag na “exponential increase” ng mga kaso ng COVID- 19 dahil pataas nang pataas ang daily average.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ito ay dahil na rin umano sa variants of concern na mayroon sa rehiyon.

Sa Camarines Norte  tatlo ang naitalang Delta variant habang pito naman ang Beta.

Patuloy namanng umaapela ang Provincial IMT sa publiko na sundin ang minimum health standards na ipinatutupad habang nagpaalala rin ang mga LGU na bawal pa ring lumabas ng kanilang tahanan ang may mga edad na 17 anyos pababa at 66 anyos pataas