Bayan ng Vinzons nakapagtala na ng 213 confirmed COVID-19 cases mula ng maranasan ang pandemya

CAMARINES NORTE- Nasa 213 confirmed COVID-19 cases na ang kabuuang naitala sa bayan ng Vinzons Camarines Norte

Ang naturang bilang ay mula ng maranasan ang pandemya noong 2020 hanggang September 29, 2021

Mula sa naturang bilang 46 ang aktibong kaso, 150 ang tuluyang gumaling sa sakit at 17 ang nawalan ng buhay

Base sa ipinalabas na report ng LGU Vinzons, sa 19 na Barangay, ang may mga aktibong kaso ngayon ay ang mga barangay ng Calangkawan norte na may 7  at Sur na may 8, sa Guinacutan ay 4 ang aktibong kaso, 1 sa Mangcayo, may 3 naman ang Napilihan, sa Poblacion I ay may 6, habang 8 sa II, 7 naman sa III at ang Sto Domingo ay may 2 aktibong kaso

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Samantala, sa kanilang ulat kaugnay COVID-19 Case Facility , 8 ang kasalukuyang nakaadmit, 5 ang nasa Municipal Isolation Unit (MIU) , 1 ang nasa Barangay Isolation Unit (BIU) , 25 naman ang nag-home isolation at ang ibang case facility ay may bilang na 7.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Umapela naman ang naturang LGU sa kanilang mga mamamayan ng Sabay-sabay na pagdarasal, sumunod sa health protocols, magsocial distancing, magsuot palagi ng face mask at face shield, palagiang paglilinis at disinfection, handwashing and alcohol at iwasan ang paglabas ng bahay ng hindi kinakailangan.