Anti-flood initiatives laban sa La Niña, natalakay sa high-level meeting ng liderato ng Kamara at ilang cabinet members

Pinaghahanda na ni House Speaker Martin Romualdez ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno para sa inaasahang mga pagbaha dulot ng La Niña sa bansa.

Sa ginanap na high-level meeting kasama ang mga miyembro ng gabinete, tiniyak ni Romualdez ang buong suporta ng Kamara upang paigtingin ang La Niña preparation initiatives at mga programa at maiwasan ang pagkawala ng mga buhay at pinsala sa ari-arian.

Giit ng Speaker, sabihin lang ng mga kalihim ang kanilang pangangailangan upang masuportahan ng Kongreso lalo’t nalalapit na muli ang budget season.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Sumasalamin aniya ang pulong sa nagkakaisang commitment ng gobyerno na tugunan ang epekto ng La Niña at masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mamamayan.

All-out din umano ang suporta ng Mababang Kapulungan sa anti-flood initiatives ng mga ahensya kabilang ang dredging activities para sa maayos na implementasyon.

Binanggit pa nito ang kahalagahan ng pagtutulungan sa preparasyon kasunod ng babala ni Science and Technology Secretary Renato Solidum na kapos na sa panahon ang bansa para paghandaan ang mga bagyo dahil lumalapit na ang tubig na apektado ng El Niño phenomenon.

Read More:  Cayetano Rejects Senate leadership changes

Nanawagan naman si Romualdez sa publiko at pribadong sektor na aktibong lumahok sa mga inisyatiba partikular sa wastong pagtatapon ng basura upang hindi bumara sa mga daluyan ng tubig at magresulta sa pagbaha.

Bukod dito, hinimok ng House leader ang local officials na ipatupad ang anti-flood measures at proper garbage disposal protocols dahil malaki ang epekto sa ekonomiya ng pagbaha mula sa maliliit na negosyo hanggang sa national supply chains.

Kasama sa mga dumalo sa pulong sina DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga, DPWH Secretary Manuel Bonoan, DILG Undersecretary Lord Villanueva at MMDA General Manager Procopio Lipana.