Seguridad ng mga kukuha ng midyear bonus, tiniyak sa Caramoan

CAMARINES SUR- Napapasana all na ang marami sa anunsyo ni Department of Budget and Management Sec. Amenah F. Pangandaman na simula ngayong araw Mayo 15, 2024 , matatanggap na ng mga government employees ang mid – year bonus.

Kaugnay nito sinabi sa Brigada News FM Naga ni Caramoan Chief of Police PCPT Neil Brijuega na titiyakin nila ang seguridad ng mga kukuha ng midyear bonus. Sa mga hindi matataong lugar na parte pa ng national highway, may maayos na koordinasyon sila sa Philippine Army.

Ang bayan ay isa sa mga nasa dulo ng Camarines Sur. Samantala, sinabi pa ni Brijuega na wala naman silang naitatalang insidente ng holdapan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *