‘WPS, Atin Ito’ markers, matagumpay na na-deploy!

Nag-umpisa nang maglayag ang caravan o convoy ng Atin Ito! Coalition ngayong araw papunta sa Bajo de Masinloc para sa kanilang ikalawang civilian-led resupply mission.

Kaninang umaga nang lumarga ang kanilang misyon, at maga-alas-diyes nang umaga nang ligtas silang makapasok sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ayon kay Atin Ito! Coalition co-convenor and Akbayan Party president Rafaela David – naging banayad ang unang bahagi ng kanilang paglalayag at nakisama rin ang panahon.

Nanguna rito ang limang mga commercial fishing vessels na kung tawagin ay ‘Pangulong’.

Mayroon ding nasa 100 maliliit na mga bangkang pangisda.

Muling sinabi ni David na pangunahing layunin ng kanilang misyon ay makapagpadala ng mga supply sa mga kababayan nating mangingisda sa area; at pati na rin ang paglalatag ng mga boya na may nakalagay na ‘WPS – Atin Ito!’.

Kaninang alas-onse ng umaga – ibinalita ng grupo na matagumpay nilang na-deploy ang mga symbolic na mga boya o marker.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *