Angeles City, Pampanga nagpatupad na rin ng liquor ban

Nagbaba na ng Memorandum ang Angeles City Government kahapon para sa agarang pagpapatupad ng liquor ban sa buong lungsod.

Sa inilabas na Memorandum No. 1176 Series of 2021na pirmado ni Mayor Pogi Lazatin, nakasaad dito na “effective immediately” ang pagpapatupad ng naturang derektiba.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ito ay dahil pa rin umano sa mabilis na paglobo ng kaso ng Covid-19, at para maiwasan ang patuloy na pagkalat ng naturang sakit.

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Samantala, wala pang tiyak na araw na inilabas ang City Government kung hanggang kalian magtatagal ang pagpapatupad ng liquor ban.