New Clark City, muling gagamitin bilang isolation center ng Pampanga

Muling gagamitin ng Pampanga Provincial Government ang Building B ng athlete’s village sa New Clark City bilang isolation center.

Personal na nag inspeksyon kahapon si Governor Dennis Pineda upang matiyak na handa na muli ang pasilidad na tumanggap ng mga Covid-19 patients.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Mayroon itong 197 rooms na may portable x-ray machine, oxygen tanks at IV stands.

Mababatid na buwan ng Hunyo ng huling gamitin ang naturang pasilidad matapos bumaba ang kaso ng Covid-19 sa lalawigan.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa ngayon kasi nasa kategorya na ng high-risk ang Pampanga sa COVID-19 Delta variant.