American journalist na kinulong sa Myanmar, pinalaya na

Nakalaya na mula sa pagkakabilanggo sa Myanmar ang US journalist na si Danny Fenster matapos siyang mahatulan ng 11-taon na pagkakabilanggo ng military court kamakalawa.

Ayon sa military government, nabigyan ng pardon si Fenster dahil sa humanitarian grounds.

Read More:  Rescuers continue search for more victims after deadly high-speed train collision in Spain

Ito ay kasunod ng negosasyon sa pagitan ng junta at ni dating US Ambassador to the UN na si Bill Richardson.

Kinumpirma ng employer ni Fenster na agad itong lumipad palabas ng Myanmar matapos ang kanyang paglaya.

Read More:  Several Florida polling precincts moved due to heavy rain and flooding

Si Fenster na nagsilbing managing editor ng English-language news site sa Myanmar ay nahatulan dahil sa paglabag sa immigration law, unlawful association and encouraging dissent against the military.

Unang nakulong ito noong Mayo kung saan paalis na sana siya ng Myanmar pabalik ng America nang arestuhin ito.