IMT binigyang basbas ang pagpasok ng mga bata sa mga malls sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Nagbigay ng pahintulot ang Provincial Incident Management team na makapasok ang mga bata sa Malls sa lalawigan ng Camarines Norte

Ito ang kinumpirma ni Atty Don Culvera Unified Incident Commander ng IATF Camarines Norte sa panayam ng Brigada News FM Daet

Nitong linggo ay naganunsyo ang pamunuan ng SM City Daet na simula ngayong araw ay pinapayagan nang makapasok ang mga bata sa naturang mall at ang nasabing advisory ayon kay Culvera ay aprubado ng IMT.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Kasunod rin ito ng inilabas na addendum sa mga pinakahuling EO na ipinalabas ng Pamahalaang Panlalawigan na pinahihintulutan na ring lumabas ang mga bata at menor de edad kung may kasamang magulang o guardian para sa essential services lamang.

Tiniyak naman ng pamunuan ng SM ang mahigpit na pagbabantay ng mga security guard sa loob ng mall upang siguruhin na ang lahat ng mga mall goers ay susunod sa standard health and safety protocols

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Kagaya na lamang ng hindi pagtatanggal ng suot na  face shield at face mask at pagpapanatili ng social distancing sa lahat ng oras kahit na sa mga food court

Bukod sa SM City Daet, inanunsyo rin ng iba pang malls sa lalawigan kagaya ng Central plaza mall ang pagpapapasok ng mga bata sa kanilang establisimyento.

ilan pa rito ay nagbigay ng mga discount para sa mga laruan at iba pang mga freebies