Alex Eala kauna-unahang Pinay na nakapasok sa US Open finals

Pasok na sa US Open finals ang Pinay tennis prodigy na si Alexandra “Alex” Eala.

Si Eala ang kauna-unahang Pinoy na nakarating sa junior grand slam singles final matapos mag-post ang ‘hard-fought semifinal triumph’ laban kay No. 9 seed Victoria Mboko ng Canada.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Naiposte ng two-time junior doubles grand slam champion ang panalo via 6-1, 7-6(5), sa Court 12 ng USTA Billie Jean King National Tennis Center.

Sa kanyang pangalawang junior slam singles semifinal mula noong 2020 Roland Garros, nakuha ni Eala ang 3-1 na kalamangan sa pamamagitan ng pagbawi sa kanyang ika-apat na pagkakataon sa break sa isang mabilis na backhand crosscourt winner.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Ang 17-anyos na iskolar ng Rafa Nadal Academy ay nagpatuloy na dinomina ang unang set dahil sa mga force errors mula sa kanyang 16-anyos Canadian foe.

Makakaharap naman ni Eala si Czech No. 2 seed Lucie Havlickova, na tumalo kay Russian No. 7 seed Diana Shnaider, 6-4, 6-4.