NAGA CITY – Dismayado ang City Social Welfare and Development Office o CSWDO sa natuklasan nilang bagong istilo o modus operandi ng ilang mga dayuhang nagtitinda ng mga kandila at iba pang mga religious article sa mga simbahan ng Naga City ngayon panahon ng Peñafrancia fiesta celebration.
Kunwari nagtitinda ang mga ito subalit hinahayaang mamalimos sa kalsada ang mga kasama nilang mga bata pati na rin ang mga Persons with Disabilities o mga kasamahang may kapansanan din.
Bukod par riyan may mga Badjao pang mga kasama ang mga ito na umuuwi naman diumano sa bayan ng Pasacao, Camarines Sur.
Ito ang natuklasan nina Gloria Rodriguez, admin aide 1 ng CSWDO matapos nilang ma rescue ang ilan sa mga batang namamalimos na siyang nagsabi na sila ay galing pa ng Lucena City.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Rodriguez, sinabi nito na nagkakaroon na sila ng pag beripika sa lugar na pinanggalingan ng mga ito sa Lucena City at tuloy nakikipag-ugnayan na rin sila sa City Government.