Akusasyon ni PRRD laban sa presidential aspirant, iimbestigahan ng PNP

Magkakasa ng imbestigasyon ang anti-narcotics unit ng Philippine National Police kaugnay sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na meron kandidato para sa 2022 presidential elections ang gumagamit ng cocaine.

Ayon sa PNP, itinuturing nila ang mga komento ng Punong Ehekutibo bilang cue nila na simulan ang pag-iimbestiga sa isyu.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Inihayag ni PNP chief Dionardo Carlos na sisikapin nilang i-validate ang kaso, upang malaman kung pwede ito maging subject ng operasyon.

Nakikipag-ugnayan na rin ang PNP sa Philippine Drug Enforcement Agency para sa probe.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Nilinaw naman ni Carlos na walang batas ang makakapilit sa presidential candidates na magpa-drug test.

Gayunman, hinimok ng PNP chief ang mga presidential aspirants na gawin ito ng boluntaryo para sa interes ng transparency.