Maari nang mag-supply ang Bayanihan E-Konsulta service ng Office of the Vice President ng molnupiravir para sa mga pasyente na may prescription ng anti-COVID-19 medication.
Sinabi ni Vice President Leni Robredo na pumirma ang opisina nito ng kasunduan kasama ang Qualimed Health Network para matulungan ang mga pasyenteng may molnupiravir na prescription.
Sa ilalim ng kasunduan ay mag-iisyu ang OVP ng guarantee letters sa ilalim ng kanilang special medical assistance program sa kahit na sinong kwalipikadong pasyente na ire-refer ng volunteer doctors mula sa kanilang teleconsultation service.
Kasunod nito ay gagawa ng karagdagang assessment ang QualiMed facilities at magpe-prescribe ng molnupiravir sa mga pasyente.
