Akusado sa panghahalay sa kanyang Stepdaughter sinilbihan na ng warrant of arrest

CAMARINES NORTE- Napasakamay ng mga otoridad ang itinuturing na ika-tatlo sa Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Labo dakong 10:45 ng gabi nitong Miyerkules sa isang barangay sa bayan ng Paracale, Camarines Norte.

Ang akusado ay isang 32 anyos na minero sa naturang lugar

Ang akusado ay inaresto sa bisa ng mandamiento de aresto para sa salang Two (2) Counts of Rape in Relation to R.A. 7610 na ipinalabas ng RTC Branch 64, Labo, Camarines Norte at walang rekomendadong piyansa.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa ibinigay na ulat ng Pulisya, ang nabanggit na akusado ang salarin sa panghahalay sa kanyang stepdaughter.

Naganap diumano ang pangmomolestya at pananakot nito na papatayin ang biktima simula nang ito ay nasa Ikatlong baytang pa lamang ng elementarya hanggang nasa ika- apat na baytang na ito nang pwersahan na halayin na nito ang kaawa-awang biktima at umabot pa hanggang Marso taong 2018 at mga hindi pa matandaang petsa ng pangyayari.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Labo MPS ang akusado para kaharapin ang kanyang kaso.