4 na task forces activated sa Naga VS COVID-19 delta variant

NAGA CITY- Apat na mga task forces ang activated sa Naga City dahil sa banta ng COVID-19 Delta Variant.

Una rito ang  Security and Enforcement, trabaho ng mga naririto tulad ng PNP ang magbantay sa mga border points, mag check point at magpatupad ng mga alituntunin ng National Interagency Task Force o di kaya mga ordinansa ng lungsod.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sumunod ang  Prevention and safety bubble, naririto naman ang mga  compliance officers  na silang umiikot upang gabayan ang mga establisyimento kung paano magiging ligtas ang kanilang lugar sa virus. Kabilang din ang mga nag iinspeksyon para sa safety seal certification.

Pangatlo ang  Facilities support para sa mga quarantine and isolation Facilities na Sta.  Cruz High School, Camarines Sur National High School Annex at City College of Naga.  Trabaho nila na tiyaking maayos ang mga pasilidad para sa mga mananatili doon.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

At panghuli ang Decontamination team, sila ang bahala mag disinfect sa mga opisina na nagkaroon ng COVID-case.

Inihayag sa mga kagawad ng Media ni Incident Management Team Commander Renne Gumba sana maunawaan na ginagawa nito dahil sa pinangangaambahang mas mabilis na makahawang delta variant.