Nilinaw ng aktres na si AJ Raval na hindi siya ang third party na naging rason ng hiwalayan nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.
Sa Facebook post ni AJ ay sinabi niya na isa siyang mabuting tao at hindi siya gagawa ng masama laban sa kahit na sino.

“JUST TO BE CLEAR, HINDI AKO ANG NAGING THIRD PARTY. OKAY GUYS? MABUTI AKONG TAO AT HINDI KO KAYANG GUMAWA NG MASAMA, KUNG MAKA BASH NAMAN KAYO PARANG NAKAPATAY AKO NG TAO HAHAHA 😂”
Nagpasalamat naman ang sexy actress sa lahat ng mga nakaintindi at umunawa sa kaniya.
Matatandaan na inamin ni AJ na nililigawan siya ni Aljur, matapos silang maispotan na magkasama sa isang mall.