Engaged na ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz sa kaniyang coach na si Julis Naranjo.
Sinabi ni Hidilyn na katulad noong nanalo siya ng gintong medalya, ay nakaramdam siya ng saya mula sa unexpected proposal ng kaniyang nobyo.

Base sa mga kumalat na litrato, ay ginawa ang engagement nina Diaz at Naranjo sa Resort’s World Manila kung saan ay nasaksihan ito ng ilang celebrities tulad nina Iza Calzado, Joross Gamboa, Marco Alcaraz, at Precious Lara Quigaman.
Mababatid na isa rin weightlifter si Julius na dati nang nag-compete sa Guam.
Sinimulan niya ang pag-coach kay Hidilyn noong 2018.