Grand Mosque sa Mecca, itinigil na ang social distancing

Itinigil na ng Grand Mosque mula sa Muslim holy city ng Mecca sa Saudi Arabia ang pagpapatupad ng social distancing sa kauna-unahang beses mula nang magsimula ang COVID-19 pandemic..

Nitong Linggo ay nag-operate ang Grand Mosque sa full capacity nito kung saan ay makikita ang shoulder-to-shoulder na pagdarasal ng mga tao.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Tinanggal na rin ng mga manggagawa sa lugar ang mga floor markings na nagsisilbing gabay ng mga tao sa social distancing.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Bagamat inalis na ang social distancing ay sinabi ng mga otoridad na kailangan pa rin ng mga bisita na maging fully vaccinated at magsuot ng face masks sa mosque grounds.