AJ Raval, buntis?

Tahasang kinumprima ni Cristy Fermin na nagdadalang tao na ngayong ang aktres na si AJ Raval.

Sinasabing ang aktor na si Aljur Abrenica rin daw ang ama ng ibinagbubuntis ni Raval.

Ayon sa beteranong kolumista, na nung pumutok ang balitang buntis ang aktres ay kaagad itong pinabulaanan ng manager niyang si Jojo Veloso at sinabing nagsu-shoot lang ito ng action movie.

Read More:  Rere Madrid introduces first child with Kai Sotto

May inilabas pa nga na mga larawan ni AJ na flat ang tiyan nito, pero sabi naman ng mga netizens, lumang pictures daw ito.

Sa ngayon, wala pang nagsasalita sa magkabilang kampo, at wala naring inilalabas na mga larawan si AJ na flat na flat ang kanyang tiyan.

Read More:  Vhong Navarro to pursue legal remedies over possible release of Deniece Cornejo, Cedric Lee

Hindi rin matiyak kung ilang buwan nang buntis ang dalaga, sakaling totoo ito.

Mababatid na si Aljur ay legal na kasal parin kay Kylie Padilla sa kabila ng paghihiwalay.