Active cases ng COVID-19 sa Bicol region patuloy pa sa pagbaba

BICOL—Patuloy ang pa ang pagbaba ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Bicol region na ngayon ay nasa 7.68% na lamang o 3,588 mula sa kabuuang  46,727 cumulative cases.

Lima ang bagong nadagdag kahapon kung saan dalawa nito ay mula sa Camarines Sur, isa sa Canaman at isa sa Ocampo.

Tig-iisang kaso rin ang Catanduanes mula sa bayan ng Virac, Masbate na mula sa bayan ng San Jacinto at Sorsogon na mula naman sa bayan ng Barcelona habang zero new case ang Albay at Camarines Norte.

Samantala, pumalo na rin sa 41,256 (88.29%) ang recoveries matapos na magtala ng 87 na mga bagong gumaling kahapon kung saan 75 nito ay mula sa Albay at 12 sa Catanduanes.

Sampong bagong nasawi ang naitala, siyam nito ay mula sa Albay at isa sa Sorsogon kung kaya pumalo na sa 1,883 (4.03%) ang death toll ng sakit sa rehiyon.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng DOH Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### |slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *