Mahigit 240k individuals sa Catanduanaes, nabakunahan na kontra COVID-19

BNFM BICOL—Umabot na sa kabuuang 240,708 na mga indibidwal sa islang lalawigan ng Catanduanes ang bakunado na kontra COVID-19.

Batay sa pinaka latest na vaccine statistics report ng Provincial Health Office kahapon, as of December 8, 2021 ay nasa 155,298 individuals o 68% ng current target population ang naturukan na ng first dose ng bakuna.

Read More:  Couple stabbed by son while sleeping; Another father hacked in Zamboanga City

Nasa kabuuang 85,410 individuals naman o katumbas ng 37% ng current target population ang fully vaccinated na kontra sa virus.

Kaugnay nito, naabot na ng Catanduanes ang 31% na vaccination coverage mula nang umarangkada ang pagbabakuna sa islang probinsya.

Read More:  At least 29 decomposing dogs and cats found in Bulacan vacant lot

Patuloy naman ang panawagan ngayon ng mga health authorities sa lahat ng Catandunganon, na makiisa sa nagpapatuloy na vaccination roll-out sa lalawigan upang mapabilis ang pag-abot ng herd immunity.###