Nakapagbakuna na ng higit dalawampu’t apat na porsyento ng populasyon ng lalawigan ang Provincial Health Office ng Zambales.
Ito ay dahil sa tuloy-tuloy na pagbabakuna ng Provincial Health at mga Municipal Health Office sa iba’t ibang mga munisipyo sa lalawigan.
Ang tala ay mula sa November 11 update ng Local Inter Agency Task Force Against Covid-19 sa lalawigan.
Samantala sa kabuuan ay mahigit 112-thousand na ang nakakumpleto ng 2nd dose at mahigit 131-thousand naman ang first dose.//Russell Banawa-BNFM IBA
