Ibinahagi ni dating Senate Majority Leader Joel Villanueva na aabot na sa limang miyembro ng ‘Solid 7’ ang handang lumipat sa grupo ng minorya nina Senate Minority Leader Koko Pimentel at Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros.
Ang Solid 7 ay binubuo nina dating Senate President Migz Zubiri, Senadora Loren Legarda, Senador Joel Villanueva, Senador JV Ejercito, Senadora Nancy Binay, Senador Sonny Angara at Senador Win Gatchalian.
Ani Villanueva, mula sa pitong miyembro nito ay may tatlo o apat na rito ang nagpahayag ng kanilang kahandaan na lumipat sa minorya kabilang na sina Zubiri, Binay, Ejercito at Angara.
Kaugnay nito, tiniyak ni Villanueva na gagamitin nila ang panahon ng session break para pag-aralan, pag-isipan at ipagdasal ang magiging desisyon nila sa huli hinggil dito.
Samantalang inamin niyang 50:50 pa siya kung mananatili o lilipat siya sa minorya dahil sa dami umano ng mga naglalabasang espekulasyon na pagsibak sa kanila sa pwesto sa kabila ng kanilang naging sakripisyo at pagtatrabaho sa Senado.