Lumubog ang isang barkong gawa sa kahoy sa pantalan ng Lucena City habang ito ay nakadock ng manalasa ang bagyong Aghon nitong Linggo, Mayo 26.



Ayon sa report, nabangga ito ng isang barko na nakadaong din sa pantalan matapos mapatid ang tali dahil sa lakas ng hangin na dala ng bagyo na naging dahilan ng paglubog nito.
Base sa ulat ng Philippine Port Authority-Marinduque Quezon, sinasabi ng Kapitan ng lumubog na barko na may kargamento ang naturang barko na nagkakahalaga ng P12M.
Ipinag-utos na rin ng Philippine Coast Guard Southern Quezon na i-dispose na ang mga drum ng diesel at gasolina para maiwasan ang oil spill sa karagatan.
Samantala, wala namang napaulat na nasaktan at nasawi sa nangyaring insidente.