Patay ang isang lalaki matapos nitong mabagsakan ng puno ng buli noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Aghon nitong Mayo 26.



Base sa imbestigasyon ng awtoridad, hinihila noon ng biktimang si alyas “Melbert”, 39-anyos, ang kulungan ng manok nang mabagsakan ito sa mukha ng nasabing puno dahil sa malakas na hangin at ulan dulot ng bagyo.
Samantala, nagawa namang maisugod sa hospital ang biktima subalit idineklara rin itong dead on arrival ng attending physician.
Kaugnay nito, dinala na rin naman sa punerarya ang labi ng nasabing biktima.