Black Eagles ng ROKAF, magsasagawa ng airshow sa Basa airbase

Nakatakdang magsagawa ng aerobatic show ang “Black Eagles” Aerobatic team ng ROKAF o Republic of Korea Air Force, sa Basa Airbase sa Floridablanca Pampanga sa darating na Lunes August 15.

Inaasahang gagamitin ng aerobatic team ang kanilang mga T-50B Golden Eagle Super-sonic Aircraft.

Read More:  Parara NHS adopts transparent bags to strengthen Campus Security

Kilala ang Black Eagles sa buong mundo dahil nakapag sagawa na sila ng mga airshows sa ibang bansa tulad ng United Kingdom, Poland, at Egypt.

Sa anunsyo ng Philippine Air Force, isasarado na sa publiko ang airbase sa August 13 para sa rehearsal hanggang sa mismong araw ng airshow proper.

Read More:  Canopy 25 project in Kidapawan reaches 4 million trees planted

Sa mga nais makapanood nito, magkakaroon ng livestreaming sa Philippine Air Force at 5th Fighter Wing official Facebook pages.