Magkasintahan, arestado sa buy-bust operation Legazpi City; 3.4M halaga ng shabu, nasabat ng PDEA Albay

LEGAZPI CITY – Arestado ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Albay at mga pulis ang magkasintahan na nahulihan ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa isang boarding house sa P-2, Brgy. Bitano, Legazpi City, Albay.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Erigen Villanueva, 30-anyos at Mark Dave Lonsame, 21-anyos, parehong naninirahan sa nasabing barangay.

Read More:  Two killed after fuel tanker crashes into roadside food cart in Negros Occidental

Ayon kay PDEA Albay Provincial Officer, Noe Briguel, bago nila ikinasa ang operasyon, nakatanggap ng sumbong ang mga ito mula sa isang bilibid in-mate na umano’y magkakaroon ng malakihang pagbebenta ng ilegal na droga ng mga suspek.

Hindi lang sa nasabing lungsod ang kanilang sinusupplayan kundi maging sa iba pang kalapit na bayan sa Albay.

Read More:  One lane reopens after landslide strand motorists in Glan, Sarangani

Tatlong sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa 500 gramo at nagkakahalagang P3.4M ang narekober sa mga suspek.

Napag-alaman din umano na dati nang naaresto si Villanueva sa kasong ilegal drugs sa taong 2016.

Naniniwala rin umano ang tanggapan na parehong user at pusher ang dalawang suspek.

Photo Courtesy: PDEA Albay