NAGA CITY—Pinasinayaan na ang pinakabagong modular field hospital sa Bicol Medical Center Naga City kahapon.
Ginawa ang blessing at ribbon cutting ng mga opsiyal ng BMC sa pangunguna ni Dr. Jose Manuel Rañola III, head ng BMC-Emerging and Reemerging Infectious Diseases na dinaluhan naman ng ilang opisyal ng DPWH sa pamumuno ni Sec. Manny Bonoan, DOH Assistant Secretary Nestor Santiago, DPWH Regional Director Engr. Virgilio Eduarte at ni DOH Regional Director Ernie Vera.
Ayon kay Dr. Rañola, napakalaking tulong ito upang mapabilis at madagdagan pa ang serbisyong ibinibigay ng ospital hindi lang sa COVID-19 kundi sa ilan pang emerging at reemerging diseases gaya ng monkey pox kung saan hindi lang ang mga taga Naga City, karatig bayan nito kundi pati narin ang mga kalapit probinsya ang maseserbisyuhan ng naturang pasilidad.
Sinimulan ang konstruksyon noong February 18, 2022 at natapos nito lang July 27, 2022 na may kabuuang halaga na P23, 912, 056. Mayroon din itong 26 na kwarto, 22 para sa mga pasyente, dalawa para sa personnel doffing and donning, isa para nurse station at isa para sa pantry.